Mga kaalyado niya sa pulitika, dadalo sa inagurasyon ni Robredo

By Kathleen Betina Aenlle June 30, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Muling makakasama ni Vice President-elect Leni Robredo ang kaniyang mga naging kaalyado sa pulitika sa kaniyang inagurasyon mamaya sa New Manila, Quezon City.

Dadalo at sasaksihan nina Liberal Party presidential bet Mar Roxas, outgoing Senate President Frank Drilon at outgoing House Speaker Sonny Belmonte ang panunumpa ni Robredo sa harap ng dalawang kapitan ng barangay sa Quezon City Reception House.

Kabilang naman sa mga VIP guests ni Robredo ay si Kris Aquino na kakatawan sa kaniyang kuya na si Pangulong Aquino na bababa na rin sa pwesto mamaya.

Siyempre hindi mawawala ang mga miyembro ng pamilya Gerona at Robredo, kabilang na ang kaniyang ina na si Salvacion Gerona.

Dadalo rin sa inagurasyon ang ilang kinatawan ng mga sektor na kaniyang napagsilbihan noong siya ay isang abogado pa lamang ng nongovernment organization.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Georgina Hernandez, magkakaroon ng multifaith prayer na bubuuin ng dasal para sa Katoliko, Muslim at sa Indigenous people, pagkatapos ng flag-raising ceremony.

Inaasahang tatagal lang ng 10 minuto ang talumpati ni Robredo sa wikang Filipino na tutuon sa pagkakaisa at serbisyong publiko.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.