Pagtatalaga kay DA Secretary Laurel, good choice ayon kay Estrada
By Chona Yu November 08, 2023 - 02:41 PM
Kumpiyansa si Senador Jinggoy Estrada na mas matutugunan na ang mga problema sa agrikultura at suplay ng pagkain sa bansa
Bunsod ito ng desisyon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga na ng kalihim sa Department of Agriculture sa katauhan ng negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Estrada na hindi puwedeng maliitin ang pagsisikap at mga sinimulan ng Pangulong Marcos sa DA.
Gayunman, sa dami ng trabaho ng Pangulo ng bansa kayat hindi niya matutukan ang problema at mga solusyon sa sektor ng agrikultura.
Iginiit naman ng senador na hindi niya pinaboran ang pagkakapili kay Laurel dahil sa pagiging magkaibigan nila.
Diin ni Estrada na kumpiyansa siya sa kakayanan at kaalaman ng negosyante para matugunan ang mga isyu sa suplay at presyo ng mga produktong pang agrikultura
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.