Bata tinangay sa Zamboanga City bilang bayad-utang

By Kathleen Betina Aenlle June 30, 2016 - 04:16 AM

 

zamboanga-cityDinukot ng isang mangingisda ang isang taong gulang na batang lalaki sa Zamboanga City dahil sa umano’y utang ng ama nito na hindi pa binabayaran.

Naganap ang insidente Martes ng gabi, nang puntahan ng suspek na nakilala lang sa pangalang “Danny” si Asakii Taji, para singilin siya sa kaniyang utang na nagkakahalagang P30,000.

Nairita si Danny dahil wala ang kaniyang hinahanap, kaya nagdesisyon itong kunin na lamang ang batang lalaking natutulog sa loob ng bahay nang gabing iyon.

Nagawa namang tawagan ng ina ng bata na si Dimple Taji ang suspek sa telepono at doon nakumpirmang siya nga ang may hawak sa bata, at saka sinabing ibabalik lamang niya ito oras na mabayaran ang kanilang utang.

Sinasabing nakaalis na ang suspek sa Zamboanga City at kasalukuyan nang nasa Sulu.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.