Unemployment rate sa bansa bahagyang tumaas – PSA
By Jan Escosio November 08, 2023 - 01:01 PM
Nadagdagan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ngunit napakaliit lamang ng bilang, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nabatid na tumaas ng 0.1 porsiyento sa 4.5 porsiyento ang unemployment rate sa bansa noong Setyembre mula sa 4.4 porsiyento noong Agosto.
Ngunit ito ay mababa pa rin kumpara sa naitalang 5.0 noong Setyembre ng nakaraang taon.
Sa pagtaas, may 2.21 Filipino sa bansa ang walang trabaho noong nakaraang Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.