Inflation, presyo ng pagkain napalambot ng mga utos ni PBBM Jr.

By Chona Yu November 08, 2023 - 08:02 AM

INQUIRER PHOTO

Bumabagal na ang pagtaas ng presyo ng pagkain matapos ang sunod-sunod na direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na protektahan ang mga konsyumer at magsasaka.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal ang inflation rate ng bansa, na mula 6.1% noong Setyembre, ngayong Oktubre ay 4.9% na lamang. Malaking bahagi rito ang pagbagal ng inflation sa presyo ng pagkain, mula 9.7% noong Setyembre, na 7% na lang ngayong Oktubre. Kasunod nito ang pagbaba ng inflation sa restaurant at accommodation services, na bumaba sa 6.3%  mula sa 7.1%. Matatandaan na iba’t ibang inisyatibo at direktiba ang ibinaba ni Pagulong Marcos Jr. ukol sa produksyon, gastusin at transportasyon sa sektor ng agrikultura. Sa kautusan ng Pangulo, libreng seedlings, fertilizer, financial assistance at technical support ang ibinahagi ng Department of Agriculture o DA sa mga Pilipinong magsasaka para lalong mapalakas ang lokal na produksyon. Ipinatigil din niya ang paniningil sa pass-through fees na umaabot nang halos P2,000 piso para lang maibaba ng mga truck ang mga gulay, bigas at karne sa merkado. Sa tulong ng kampanyang Bagong Pilipinas, maraming Kadiwa Store din ang inilagak sa mga komunidad kung saan direktang farm-to-market ang mga agricultural products kaya’t naibebenta ito nang mura. Itinaas din ni Pangulong Marcos ang  farm gate price ng palay at bibilhin ng National Food Authority (NFA) ang kanilang palay sa mataas na presyo. Nangako rin ang si bagongAgriculture  Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na magiging pro-production at hindi pro-importation ang kanyang diskarte.

TAGS: Agriculture, food, Inflation, prices, Agriculture, food, Inflation, prices

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.