Pansamantalang pinayagan ng Metro Manila Development Authority na dumaan sa kahabaan ng Edsa ang mga provincial buses.
Ayon kay MMDA chairman Attorney Don Artes, maaring makadaan sa Edsa ang mga provincial bus mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga hanggang sa Nobyembre 6.
Sabi ni Artes, solusyon ito sa inaasahang mataas na bilang ng mga pasaherong pupunta sa probinsya para makilahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections at paggunita ng Undas.
Ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay maaaring umabot sa mga terminal sa Cubao, Quezon City.
Ang mga bus galing South Luzon ay maaaring huminto sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Layunin nito ang maayos at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga provincial buses at para na rin maging komportable ang biyahe ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.