Ironclad.
Pahayag ito ni United States (US) President Joe Biden sa suporta na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas matapos ang ginawang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
Sabi ni Biden, gagamitin ng Amerika ang Mutual Defense Treaty kapag inatake ang Pilipinas.
Matatandaang binangga ng barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“I want to be clear — I want to be very clear: The US’ defense commitment to the Philippines is ironclad. Any attack on the Filipino aircraft, vessels, or armed forces will invoke our Mutual Defense Treaty with the Philippines,” pahayag ni Biden.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na serious escalation ang ginawa ng China sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.