Ginawaran ng Manila Overseas Press Club (MOPC) si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ng Distinguished Journalism and Government Service award.
Ipinagkaloob ang pagkilala kay Garafil kasabay ng pagdiriwang ng Global Media and Information Literacy Week na anila’y patunay sa dedikasyon ng pamahalaan sa tapat at mahusay na paghahatid ng de-kalidad na balita sa bawat Pilipino, maging sa malaya, ligtas, at responsableng pamamahayag sa bansa.
Sa kanyang mahabang karera, naging inspirasyon si Garafil sa maraming kasamahan sa industriya ng media.
Sinasabing ang kanyang integridad, propesyonalismo, at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ay nagpapakita ng halimbawa ng tamang pagkakamit ng tagumpay sa larangan ng pamamahayag at serbisyong pampamahalaan.
Nagpasalamat naman si Garafil sa press club sa natanggap niyang parangal mula sa grupo.
Samantala, ang MOPC ay kilala naman sa pagpapahalaga sa malaya at responsableng pamamahayag at maging sa pagpapabuti ng industriya habang ipinapakita din nito na ang bansa ay may mataas na pamantayan sa kalidad ng mga balita at impormasyon na inilalathala o iniuulat na naglalayong magbigay ng makabuluhang serbisyo sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.