Milyun-milyong tukador at cabinet pinababawi ng IKEA; 6 na bata na ang nasasawi matapos matumbahan

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2016 - 11:53 AM

AFP Photo/Carlos Hamann
AFP Photo/Carlos Hamann

Ipinag-utos na ng furniture giant na Ikea ang pagbawi sa mahigit tatlumpu’t limang milyong cabinet at tukador sa Amerika at Canada.

Ito ay matapos ang insidente ng pagkamatay ng anim na bata sa Estados Unidos matapos na matumbahan ng biniling tukador at cabinet ng kanilang magulang sa Ikea.

Sakop ng recall ng Ikea na itiunuturing na world’s largest furniture seller ang 29 na milyong units sa U.S at 6.6 milyon na units sa Canada.

Ayon sa safety regulators ng Ikea, hindi ‘stable’ ang nasabing mga produkto at hindi umaakma ng tama sa pader na pinagkakabitan sa mga ito dahilan para ito ay tumumba.

Sa U.S. walong milyon sa pinapabawi sa merkado ay pawang Malm model chests at dressers, habang 21 million naman ang children’s and adult chests and dressers.

Ang mga customers na apektado ng voluntary recall ay maaring makakuha ng full refund. Pwede rin silang kumuha sa lkea ng ibang wall-anchoring products at mismong ang Ikea personnel ang magkakabit sa kanilang bahay.

Sa U.S., noong February 2014, dalawang bata ang nasawi matapos matumbahan ng six-draw chest, nasundan ito noong June 2014 kung saan isang 23-month old na bata ang natumbahan naman ng three-drawer chest at isa pang insidente ng pagkasawi ng isang bata ang naitala noong February 2015.

May naiulat din ang Ikea ng 41 inisidente ng pagtumba ng Ikea furniture sa U.S noong 1989, 2002 at 2007 na pawang nagresulta ng kamatayan ng mga batang natumbahan.

 

TAGS: Ikea, Ikea orders recall of 35 million chests and drawers due to tip-over incidents, Ikea, Ikea orders recall of 35 million chests and drawers due to tip-over incidents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.