Usec Taduran lumipat na sa team ni Sec. Estrella ng DAR

By Chona Yu October 24, 2023 - 10:18 AM

Photo from Congress website

 

Gaya ng inaasahan, lumipat na si Undersecretary Rowena Nina O. Taduran sa Department  of Agrarian  Reform  (DAR)  matapos  nitong  tanggapin  ang  alok  ni  Secretary  Conrado Estrella III na maging Undersecretary for Support Services Office (SSO).

Si Taduran ay dating mambabatas  at pormal na  nanumpa noong 11 Oct.   kay Executive  Secretary Lucas P. Bersamin sa Malakanyang kung saan sinamahan siya ni Estrella kabilang ang iba pang presidential appointees.

Ang dating broadcaster at co-host ng ngayon ay Senador Raffy Tulfo sa tanyag na radio/TV  show “Wanted sa Radyo” ay pormal na ipinakilala sa mga opisyal at kawani ng Department  Agrarian Reform ni Sec. Estrella sa ginanap na regular Monday flag raising noong 16 Oct.

Kaugnay nito, iginiit ni Taduran ang commitment ng kanyang tanggapan, na isa sa tatlong  haligi ng ahensya para sa pagtalima sa tinatawag na nine (9) land reform priorities ni Estrella.

Kabilang dito ang  intervention on land tenure problems; agrarian justice delivery;   intervention for support services; intervention for medical expenses; intervention for medical;  intervention   for   technical   skills;   intervention   for   farm-to-market   roads;   intervention   for  diversified income sources; and intervention for irrigation.

Sa naturang flag  raising,  binalaan ni Estrella  ang mga tiwaling opisyal  at empleyado na magdalawang isip ang mga ito sa kanilang mga balaking dungisan ang kanyang pangalan at ang ahensya.

Siniguro naman ni Taduran na tutulong sya sa Kalihim sa paglilinis sa ahensya gayundin ang  pagtiyak sa pagkakaloob ng pantay-pantay na serbisyo at  proteksyon sa hanay ng mga tinaguriang agrarian reform beneficiaries.

Samantala, ipinaliwanag ni Taduran na nauna syang inalok ni Estrella na maging bahagi ng kanyang team nang maitalaga ito sa DAR noong June 2022.

Gayunman, personal na pinili ni dating DSWD Secretary at ngayon ay party-list representative Erwin Tulfo si Taduran  na maging bahagi ng kanyang grupo.

Kahalintulad rin na pahayag ang binitiwan ni Estrella sa ginanap na DAR flag raising kamakailan.

Bago maitalaga sa DAR at DSWD, si Taduran ay miyembro ng 18th Congress ng House of Representatives kung saan nya nakasama si Estrella. Hinirang siya bilang Assistant House Majority Leader at Vice Chair ng House Special Committee on Globalization and WTO.

 

TAGS: news, Nina Taduran, Radyo Inquirer, news, Nina Taduran, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.