Saudi trip ni PBMM nagbunga ng $4.26-B investment accords
By Chona Yu October 20, 2023 - 01:05 PM
Riyadh, Saudia Arabia – Umabot sa US $4.26 bilyong halaga ng investment agreement ang nakuha ni Pangulong Marcos Jr. matapos ang pakikipagpulong sa Saudi business leaders.
Nakuha ni Pangulong Marcos Jr., ang investments sa sideline ng Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit na ginaganao dito. Kabilang sa mga kasunduan ang $120-million agreement sa Saudi’s Al Rushaid Petroleum Investment Company at Samsung Engineering NEC Co. Ltd. katuwang ang EEI Corporstion ng Pilipinas para sa construction export services. Nasa $3.7 bilyon din ang nalagdaan ng Saudi’s Al-Jeer Human Resources Company-ARCO at Association of Philippine Licensed Agencies for the Kingdom of Saudi Arabia para sa human resource services agreement. Naselyuhan din ng Saudi’s Maharah Human Resources Company ang $191 milyong investment agreement at Philippines’ Staffhouse International Resources Corporation at E-GMP International Corporation. Pinahahalagahan ni Pangulong Marcos ang kontribusyon ng mga dayuhang kompanya sa pagpapaigting sa bilatetal relations sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia. “To our current and future business partners, I hope that this meeting has served as an excellent platform for building greater and closer partnerships between the Philippines and the Kingdom of Saudi Arabia,” pahayag ni Pangulong Marcos.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.