Implementasyon ng IRR ng Maharlika fund, sinuspendi muna
Sinuspendi na muna ng Palasyo ng Malakanyang ang Implementing Rules and Regulations sa Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Base sa memorandum na inilabas ng Office of the Executive Secretary sa Bureau of Treasury, Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, sinabi nito na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon muna ng mas mahaba at malalim na pag-aaral.
Nais ni Pangulong Marcos na malinaw na mailatag muna ang mga safeguard para maging bukas ito o transparent at magkaroon ng pananagutan o accountability.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ang memorandum noong Oktubre 12.
Nasa P50 bilyon ang inilagak ng Land Bank sa Maharlika habang P25 bilyon naman ang inilagak ng DBP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.