Bumaligtad na testigo laban kay de Lima, bantay-sarado na sa BuCor

By Jan Escosio October 18, 2023 - 10:29 AM
Nailipat na sa Minimum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang isa sa mga tumestigo laban kay dating Senador Leila de Lima matapos ang pagbawi ng una sa kanyang naging testimoniya sa kaso ng huli.   Pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 26 ang hiling ni Rodolfo Magleo at nailipat siya ng kulungan Lunes ng gabi.   Ipinag-utos na din ng korte sa Bureau of Corrections (BuCor) na kunin at isailalim sa kanilang kustodiya ang isa pang testigo, si Nonito Arile.   Kapwa dating pulis sina Magleo at Arile at testigo ng prosekusyon na natitirang illegal drug trading case ni de Lima.   Sa pagdinig ng kaso kamakalawa, ibinigay ni Magleo sa korte ang sulat para sabihin na binabalak nila ni Arile na baguhin ang kanilang unang sinumpaang-salaysay.   Bunga nito, hindi na siya iprinisinta bilang testigo ng panig ng prosekusyon.

TAGS: leila de lima, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer, leila de lima, Muntinlupa, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.