Mga kooperatiba sa bansa, palalakasin pa ni Pangulong Marcos

By Chona Yu October 16, 2023 - 11:53 AM

 

(PPA photo)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kooperatiba ng mga magsasaka sa bansa na magsama-sama at bumuo ng asosasyon.

Ito ay para mapalakas ang kanilang grupo.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa National Cooperative Day sa Malakanyang, sinabi nito na sa ganitong paraan, mapalalawak ang pagproseso sa tinatanimang lupa.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Pangulong Marcos na mapadadali rin ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan.

Kabilang aniya sa suportang ipagkakaloob ng gobyerno ay malalaking makinarya para sa processing, milling hanggang marketing para makatipid sa cost of production, gumanda at dumami ang produksyon, at lumaki ang kita ng mga kooperatiba at mga magsasaka.

Sabi ni Pangulong Marcos, kailangan na magaling ang management o pangangasiwa ng mga magsasaka sa kooperatiba para mapaganda ang business plan.

Kapag nagawa aniya ang lahat ng ito, tiyak na papatok at kikita nang malaki ang kooperatiba  na pwedeng makapag expand pa ng negosyo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., magsasaka, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., magsasaka, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.