Preso sa Bilibid timbog sa shabu sa kahon ng posporo

By Jan Escosio October 13, 2023 - 05:16 PM

Dalawang araw matapos makipagkasundo ang Bureau of Corrections (BuCor) sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno para labanan ang droga sa mga kulungan, isang bilanggo ang nakumpiskahan ng shabu sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muintinlupa City.

Base sa ulat, nagpapatrulya ang ilang tauhan ng BuCor sa Maximum Security Compound nang mapuna ang kahinahinalang kilos ni Jun Torres.

Nang siyasatin nakuha kay Torres ang isang kahon ng posporo, kung saan nakatago ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Mahaharap pa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Torres.

Samantala, sinabi ni Catapang na ang mga ganitong insidente ang nag-udyok sa kanya para makipagkasundo sa PDEA, NICC at PNP para matigil na ang kalakaran ng droga sa kanilang mga pasilidad.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang paggiba ng mga kubol sa loob ng pambansang-piitan alinsunod sa utos ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla para maiwasan ang drug session ng mga bilanggo.

TAGS: bucor, PDL, shabu, bucor, PDL, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.