Nag-positibo sa doping test si Justine Brownlee.
Sumikat si Brownlee matapos ipanalo ng gintong medalya ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Ayon sa pagsusuri ng International Testing Agency, positibo si Brownlee sa ipinagbabawal na Carboxy-THC na iniuugnay sa paggamit ng cannabis.
Kinuha ang sample ni Brownlee noong Oktubre 7.
Ipinaalam na ng ITA kay Brownlee ang resulta ng pagsusuri.
Matatandaang tinalo ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa iskor na 70-60 dahilan para masungkit ang gintong medalya matapos ang 61 taon.
Kasabay nito, nag-positibo rin ang player ng Jordan na si Sami Bzais a steroid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.