World class na manukan sa Davao del Sur, binuksan

By Chona Yu October 12, 2023 - 03:48 PM

 

Nasa 80 milyong manok kada taon ang kayang i-produce ng makabagong world class controlled-climate Magnolia poultry farm ng San Miguel Foods sa Hagonoy, Davao del Sur.

Personal na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong pasilidad.

Sabi ni Pangulong Marcos, nasa 1,000 na trabaho ang malilikha rito.

Tiniyak din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi nito masasagasaan ang maliliit na negosyo sa lugar, kundi matutulungan pa ang mga lokal na komunidad.

Sabi ni Pangulong Marcos, isang hakbang lamang ito para makamit ang sapat at abot-kayang pagkain.

Pursigido aniya ang pamahalaan na patatagin ang ekonomiya sa Mindanao region.

 

TAGS: Davao del Sur, Ferdinand Marcos Jr., manok, news, Radyo Inquirer, San Miguel, Davao del Sur, Ferdinand Marcos Jr., manok, news, Radyo Inquirer, San Miguel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.