Pamilya ng nasawi ng Pinoy sa Israel, inabutan ng ayuda ng DSWD
Binigyan na ng pinansyal na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ni Paul Vincent Castelvi, ang Filipino migrant worker na isa sa dalawang nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Gaza Strip sa Israel.
Mismong si DSWD Field Office Central Luzon OIC-Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Armont Pecina ang personal na nag-abot ng P10,000 na tulong.
Kinuha ang pondo sa DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
Tutulong na rin ang DSWD sa pagbibigay ng burial assistance sapamilya ni Castelvi oras na maiuwi sa bansa.
Bibigyan din ng livelihood program ang pamilya ng OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.