Belmonte sa QCPD: Ibalik ang sinibak na pulis sa viral video

By Chona Yu October 10, 2023 - 07:08 AM

 

Humihirit si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan na ibalik sa puwesto si Executive Master Sergeant Verdo Pantollano.

Si Pantollano ang nag-viral na pulis sa social media matapos ipahinto aang daloy trapiko sa Commonwealth Avenue dahil sa umanoý ay dadaan si Vice President Sara Duterte.

Sabi ni Belmonte, ginagawa lamang ni Pantollano ang kanyang tungkulin.

Ginawa ni Belmonte ang apela matapos ang pahayag ni Metro Manila Development Authority Acting Chairman Rolando Artes na normal lamang na bigyan ng kortesiya sa kalsada ang mga “Very Important Persons” (VIP).

Sabi ni Artes, sakop ng kortesiya ang mga foreign dignitaries o mga heads of state na bumibisita sa bansa.

Sabi ni Belmonte, hindi muna siya nag-react noon nang sibakin ang pulis.

Pero nang malaman ni Belmonte na hindi sinibak ang MMDA personnel na kasama ni Pantollano sa viral video, saka lamang siya gumawa ng apela na ibalik sa puwesto ang pulis.

“Following the clarification made by Chairman Artes, I feel  that an injustice was committed against Pantollano and must be rectified, regardless of who the VIP was. The cop must be reinstated as he was simply doing his job,” pahayag ni Belmonte.

Una nang itinanggi ng Office of the Vice President na nasa Mindanao at hindi dumaan sa Commonwealth Avenue si Duterte nang makunan ng video ang daloy ng trapiko.

 

 

 

 

TAGS: joy belmonte, news, Pulis, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Sibak, viral video, joy belmonte, news, Pulis, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Sibak, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.