Agri partnership ng Pilipinas at Malawi, palalakasin
(Courtesy: PPA)
Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng pamahalaan ng Malawi ang kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura at student exchange.
Sa pagpresenta ng credentials ni Non-Resident Malawi Ambassador to the Philippines Kwacha Chisiza kay Pangulong Marcos sa Malakanyang, sinabi ng huli na maaaring ipadala ng Malawi ang kanilang mga technicians, scientists, at actual practitioners para sa maibahagi ang kaalaman sa pagpapaganda sa sektor ng agrikultura lalo na sa pagpapalakas sa rice production.
“So, if we can get it started, Your Excellency, I think it would be of great benefit to both our countries because generally, what flows from this kind of partnership is with – is straight, will come from that and we are, of course, always looking to increase our trade with all our partners,” pahayag ni Pangulong marcos.
“So, again, the future is ripe with opportunity. I think it is a good time to take that opportunity for Malawi and for the Philippines together,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi naman ni Chisiza na umaasa siyang lalakas ang bilateral relations ng dalawang bansa.
“We see a lot of interest in the agriculture sector that the Philippines has and our economy in Malawi is predominantly dependent on agriculture. We want [to learn] about the Philippines and large quantities of rice production which in our country, it is the second staple food,” pahayag ni Chisiza.
Sabi ni Chisiza, tatlong isyu ang tinutukan ng Malawi. Una ang agriculture productivity and commercialization; industrialization; at urbanization.
Inimbitahan din ni Chisiza si Pangulong Marcos na bumisita sa Malawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.