Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga guro sa buong bansa.
Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day, sinabi nito na hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga guro.
Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na prayoridad ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng mga guro.
“Happy World Teacher’s Day to our educators, to whom our nation owes an immeasurable debt,” sabi ni Pangulong Marcos.
“We recognize your sacrifices for our youth and assure you that we will prioritize your welfare and that of your families,” dagdag ng Panggulo.
Matatandaan na noong Oktubre 1, isang konsyerto sa Palasyo ang isinagawa ni Pangulong Marcos bilang pasasalamat sa mga guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.