P30-M market study budget ng DOT kinuwestiyon ni Binay
Ginisa ni Senator Nancy Binay ang Department of Tourism (DOT ukol sa hinihinging P30 milyon para sa “market study and research” para sa re-branding ng kampaniya ng kagawaran.
Ang halaga ay nakapaloob sa kalahating bilyong piso para sa 2024 Branding Campaign Program at gagamitin partikular sa Strategy, Research and Overall Direction para sa Integrated Marketing Communication Campaign.
Ngunit sa pagdinig para sa 2024 budget ng DOT, napuna ni Binay na may “unutilized item” na may katulad na halaga.
Giit ni Binay ang “marlet study” ay dapat isinasagawa bago ang paglulunsad ng kampaniya.
“Why are you spending P30 million for a study that supposed to be was already done before you launched— I would assume this is the ‘Love the Philippines’, ‘di ba? So anong magiging, kumbaga paa, ano ang magiging backbone for the new branding if there was no strategy research, kasi parang ngayon pa lang kayo mag-aaward ng P30 million for strategy research? So, what is the basis for doing a rebranding when you’re still gonna do a strategy research worth P30 million?,” usisa ni Binay.
Dagdag pa niya: “You’re shifting to a new campaign, so talagang, overhaul ‘yan. So how can it be that you started a new campaign na—I mean lumalabas ngayon because you’re awarding P30 million for a strategy research—but parang medyo mali ang order. Hindi ba dapat nauna ang pag-aaral bago tayo nag-relaunch?”
Ikinatuwiran naman ng DOT na nakapagsagawa na ng komprehensibong pag-aaral ukol sa ibat-ibang aspeto ng turismo.
Nang marinig ito, sinabi ni Binay na hindi na kakailangan pa ng P30 milyon para sa isang plano na naisagawa na kayat tama lamang na alisin na ito.
Binanggit pa nito na sa kabila ng mga pagbabago sa kampaniya, hindi pa rin maka-angat ang turismo ng bansa kumpara sa mga katabing miyembro ng ASEAN, na pawang hindi naman nagpapalit ng kanilang tourism slogan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.