Mexico, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol
Niyanig ng malakas na magnitude 6.0 na lindol ang Oaxaca, Mexico.
Ayon sa seismological institute ng Mexico, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Mexico City, kung saan iniulat ang pag-uga ng malalaking gusali.
Marami ring mga empleyado ang lumabas ng kani-kanilang mga opisina nang maramdaman ang pagyanig.
Wala pa namang napaulat na pinsala sa nasabing pagyanig na naganap bago mag alas 5:00 ng umaga kanina oras sa Pilipinas.
Ayon kay Luis Felipe Puente, pinuno ng emergency services, inaalam na nila ang sitwasyon sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.