Bagyong Jenny lumakas, Signal No. 1 sa 6 probinsiya
By Jan Escosio October 02, 2023 - 05:49 PM
Lumakas ang bagyong Jenny habang kumikilos sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa 5pm tropical cyclone bulletin, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa distansiyang 485 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at buso na aabot sa 190 kilometro kada oras.
Nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:
– Batanes
-Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
-Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig)
-Apayao
-Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Dumalneg, Bangui, Pagudpud, Adams, Nueva Era, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Piddig, Dingras, Solsona, Marcos)
-Abra (Tineg, Lacub, Malibcong) and the northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
Paiigtingin ng bagyo ang habagat sa susunod na tatlong araw at maaring magdulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.