P2/L bawas sa gasolina, P0.40/L taas sa krudo bukas

By Jan Escosio October 02, 2023 - 05:37 PM

Magkaiba ang magiging paggalaw bukas, Okture 3,  sa presyo ng gasolina at krudo o diesel.

Matatapyasan ng P2 ang halaga ng bawat litro ng gasolina, samantalang madadagdagan naman ng P0.40 kada litro ang diesel.

Ang kerosene naman ay mababawasan ng P0.50 kada litro ang presyo.

Tanging ang Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix, Caltex at PTT pa lamang ang may anunsiyo sa paggalaw ng presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo bagamat inaasahan na susunod din ang iba pang kompaniya ng langis.

Base sa monitoring ng  Department of Energy, ngayon taon tumaas na ng P17.30 ang presyo ng gasolina, P13.40 naman sa diesel at P9.44 sa kerosene.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, oil price, diesel, DOE, gasoline, oil price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.