TikTok challenge ng Globe sa senior citizens pinalawig
Hanggang sa darating na Oktubre 8 pa ang #SeniorDigizen: Teach Me How to Digi TikTok Challenge ng Globe.
Ang hakbang ay bunga ng malawak na suporta at mainit na pagtanggap sa inisyatibo.
Ayon pa sa Globe ito ay kasabay na rin ng paggunita ngayon linggo ng Elderly Week sa bansa. Ito ay inilunsad noong Setyembre 10 kasabay namna ng paggunita sa Grandparents Day.
Umabot na rin sa two million views ang video sa TikTok!
“Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa #SeniorDigizen campaign kaya naman ini-extend pa namin ang deadline ng contest. Hindi lang ito magbibigay daan para mas maraming pamilya ang makasali, ipinapakita rin nito ang aming dedikasyon sa pag-promote ng digital literacy sa mga senior. Nakakataba ng puso na makita ang mga kabataan na tinutulungan ang kanilang elders na matuto ng digital,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe Group.
Ang top 25 entries ay may pagkakataong manalo ng mga premyo mula sa Globe na aabot sa P75,000.
Ang mga mananalong lolo at lola ay lalahok sa mga learning session bilang parte ng #SeniorDigizen Ambassador program at tatanggap sila ng one-year family health subscription, essential medicine, vitamins, cataract screenings, arthritis screening, at ultrasound dahil sa KonsultaMD.
Bukod pa sa free hearing at eye check-ups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.