Bagyong Jenny napanatili ang lakas habang patungo sa Philippine Sea
Napanatili ng Bagyong Jenny ang lakas habang tinatahak ang kanlurang bahagi ng Philippine Sea.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,025 kilometro silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran timog-kanluran na direksyon sa bilis na 35 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 80 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signal ang Pagasa.
Sa ngayon, hindi pa naman nakaapekto sa bansa ang bagyo.
Gayunman, sabi ng Pagasa, maaring makaranas ng malakas na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands sa Martes o Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.