Laurel, Maryland, United States — Matagumpay na nakalapit ang New Horizons ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa Pluto.
Ito ay matapos kumpirmahin ng mission operations manager na si Alice Bowman na may contact na sa spacecraft matapos ang paglalakbay nito ng aabot sa 3 billion miles ang layo o 4.8 billion kilometers.
Labing tatlong oras ding nag-abang ang mga taga NASA bago sila makatanggap ng “contact” mula sa New Horizons.
Ang New Horizons ay nagsimulang maglakbay siyam at kalahating taon na ang nakalipas patungo sa pluto. “This is truly a hallmark in human history. It’s been an incredible voyage” ayon kay NASA science mission Chief John Grunsfeld.
Samantala patuloy ang pagtanggap ng NASA ng mga vital data at larawan ng pluto mula sa New Horizon.
Isa sa pinakamahalagang impormasyon na naipadala ng New Horizons ay ang detalye kaugnay sa totoong sukat ng naturang planeta.
Base sa actual feed na ipinadala sa Mission Center ng NASA, ang Pluto ay may sukat na 1,473 miles (2,370 km) in diameter na higit na mas malaki kumpara sa dating impormasyon na 1,185 km radius.
Bukod sa Pluto ay iikot din ang New Horizons spacecraft ang pinaka-malaki sa limang buwan ng naturang planeta na tinatawag sa pangalang “Charon”.
Nauna dito ay pinatotohanan rin ng naturang space mission na solid at nababalot ng makapal na yelo ang ibabaw ng Pluto.
Nataon ang flyby ng New Horizons sa ibabaw ng Pluto sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng pag-ikot ng Mariner 4 sa planetang Mars.
Ayon sa NASA ang unmanned aircraft na New Horizons ay may bigat na 478 kilograms at halos ay kapareho ng sukat ng isang ordinaryong piano lamang./Dona Dominguez-Cargullo, Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.