Ganap nang tropical storm ang Tropical Depression Jenny.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,145 kilometro silangan ng Central Luzon.
Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 80 kilometro kada oras at central pressure na 1000 hPa.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran na direksyon sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signal ang Pagasa.
Wala pa namang direktang epekto sa bansa ngayon ang bagyo.
Inaasahan naman na makararanas ng malakas nap ag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.