‘Brexit’ walang epekto sa mga OFW

By Chona Yu June 28, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Walang epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang pag-alis ng Britain sa European Union.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, galing sa gobyerno ng United Kingdom at hindi sa European Union ang mga working visa ng mga OFW.

Karamihan aniy sa mga OFW na nagtatrabaho sa UK ay mga nurse.

Pangalawa ayon kay Santos, ang UK government ang ang nag-hire sa mga OFW na magtrabaho sa UK at sa mga ospital dito. Wala din aniyang dahilan para matakot ang mga OFW na mawalan sila ng trabaho at pauuwiin ng Pilipinas.

Kumpiyansa rin si Santos na kilala ang mga OFWna magalang, masipag at magaling sa trabaho kung kaya hindi basta basta na pakakawalan ang mga ito ng UK government.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.