DOH, ChEd pinagbilinan ni Pangulong Marcos sa “upskilling” ng “underboard nurses”

By Chona Yu September 28, 2023 - 10:02 PM

PCO PHOTO

Pinatitiyak ni Pangulong Marcos Jr.,  sa Department of Health (DOH) at sa Commission on Higher Education (ChEd) na makasusunod sa global standards ang mga nurse na hindi nakapasa sa board examinations.

Ginawa ni Pangulong Marcos Jr., ang pahayag sa ceremonial signing ng memorandum of understanding (MOU) para sa Clinical Care Associate Program.. Layon ng programa na matugunan ang kakapusan sa nurses ng bansa. Makakatuwang ng DOH at CHED sa programa ang 55 ospital at 19 na nursing schools. Sa ilalim nito, magpapatupad ng upskilling program sa mga underboard nursing graduates o iyong mga hindi pa pumapasa sa board exams. Ito ay para maisama sila sa kasalukuyang bilang ng mga licensed nurse para sa pangangailangan ng mga public at private hospitals. Kumpiyansa si Pangulong  Marcos na sa pamamagitan ng programa ay matutugunan ang kinakailangang health workers ng bansa at maging ang tumataas na demand para sa Filipino nurses abroad.

TAGS: board exam, CHED, doh, nurses, board exam, CHED, doh, nurses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.