“Cult leader” ipina-contempt sa pagsisinungaling, kulong sa Senado
Hindi na muna makakauwi sa Socorro , Surigao del Norte ang itinuturong pinuno sa isang sinasabing kulto, kasama ang tatlo sa kanyang mga tagasunod.
Ito ay matapos aprubahan ni Sen. Ronald dela Rosa, ang namumuno sa Senate Committee on Public Order, ang mosyon ni Sen. Risa Hontiveros na ma-contempt si Jey Rence Quilario alyas Senior Agila, ang namumuno sa Socorro Bayanihan Services, Inc. Na nakabase sa Sitio Kapihan, sa nasabing bayan.
Bukod kay Quilario kasama din niyang makukulong pansamantala sa Senado sina dating Socorro Mayor Mamerto Galanida, Karen Sanico at Janeth Ajoc.
Nag-ugat ang mosyon ni Hontiveros sa aniya ay patuloy na pagsisinungaling ni Quilario ukol sa mga ibinunyag na ibat-ibang uri ng pang-aabuso sa mga bata sa kanilang samahan kasama na ang sapilitang pagpapakasal ng mga batang babae.
Makakasama nila sa kulungan ang mag-asawang Jerry at France Ruiz, ang mag-asawang negosyante mula sa Occidental Mindoro na inakusahan ng matinding pagmmaalupit sa kanilang dating kasambahay na si Elvie Vergara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.