Sinabi ng Department of Health (DOH) na 95.30 porsiyento ng bivalent COVID 19 vaccines na donasyon sa Pilipinas ay naiturok na hanggang ngayon araw.
Samanatala, patuloy ang pakikipag-negosasyon ng kagawaran sa COVAX Facility para sa karagdagang donasyon ng mga bakuna.
“The DOH has been actively engaged in negotiations with the COVAX Facility and Gavi to secure a more substantial vaccine allocation for the country,” ayon sa DOH.
Nabatid na inaasikaso na lamang ang ilang kakailanganin dokumento para sa alokasyon ng naturang bakuna hanggang sa pagtatapos ng taon.
Hindi pa batid kung kailan dadating sa bansa ang mga karagdagang bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.