Kulto sa Surigao na nang-aabuso ng mga bata ibinunyag ni Hontiveros
Ibinahagi ni Senator Risa Hontivero na may isang religious cult sa Socorro, Surigao del Norte na nang-aabuso ng higit 1,000 bata at menor de edad.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na ang Socorro Bayanihan Services ay pinamumunuan ng isang Jey Rence, alias “Senior Agila” at ang kanilang komunidad, na tinatawag na “Kapihan” ay nasa bulubunduking bahagi ng naturang bayan.
Sinabi pa ng senadora na iniuugnay din sa ilegal na droga ang naturang kulto.
Bukod pa dito, may mga pampublikong paaralan sa naturang bayan ang nabawasan ng mga guro dahil sa kulto.
Nakikihati din aniya ang kulto sa mga ayuda na ibinibigay ng gobyerno sa kanilang mga miyembro, kasama na ang senior citizens at mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sabi pa ni Hontiveros na ilang menor de edad na ang nakatakas mula sa kulto at ang mga ito ang nagsiwalat sa puwersahang pagpapakasal sa mga bata, gayundin ang panghahalay sa kanilang mga ka-edad.
Hiniling ng senadora na iligtas ang mga bata at menor de edad sa kamay ng kulto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.