Pari sa Samar inalis ni Pope Francis dahil sa umano’y sex abuse sa mga bata

By Jan Escosio September 18, 2023 - 07:49 PM

DIOCESE OF BORONGAN FB PHOTO

Tinanggal sa pagkapari ni Pope Francis ang isang pari mula sa Diocese of Borongan sa Samar dahil sa diumanoy pagkakasangkot sa pang-aabuso sa mga bata.

Si Borongan Bishop Crispin Varquez ang nag-anunsiyo nang pagkakatanggal kay Fr. Pio Aclon sa “clerical state.”

Ang pag-alis kay Aclon ay nakasaad sa “Informationis Causa” mula sa Santo Papa at binasa sa mga Misa sa diyoses kahapon.

Samantala, hiningi naman ni Aclon kay Bishop Varquez ang kopya ng kautusan ng Santo Papa.

Diin pa nito sa kanyang social media post, hindi bahagi ng proseso ng kautusan ng Santo Papa ang pag-post sa social media.

Aniya hindi lamang ang kanyang “canonical right” ang nilabag ni Bishop Varquez kundi maging ang kanyang “civil right.”

 

 

 

 

TAGS: pari, pope francis, sex abuse, pari, pope francis, sex abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.