Tatak Pinoy Council makikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno – Angara

By Jan Escosio September 15, 2023 - 12:44 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ipinaliwanag ni Senator Sonny Angara na ang mabubuo na konseho sa ilalim ng isinusulong na Tatak Pinoy bill ay babalangkas ng mga istratehiya katuwang ang ibang ahensiya ng gobyerno at mga organisasyon.

Ayon kay Angara ang mga istratehiya ang titiyak na magiging matutupad ang layon ng panukalang-batas.

Unang kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang overlapping ng responsibilidad ng Tatak Pinoy Council (TPC) sa iba pang konseho.

Pag-amin ni Angara kay Pimentel, posible talaga ang “overlapping,” ngunitt diin lamang niya magiging mahigpit ang koordinasyon para hindi magkaroon ng sapawan ng mga responsibilidad sa pagpapatupad ng batas.

Paliwanag pa niya na kabilang sa nakapaloob sa panukala ay matiyak na isang direksyon lamang ang tatahakin ng mga kinauukulang ahensiya, kabilang na ang TPC, upang maabot ang layon ng batas.

Nakasentro aniya ang responsibilidad ng TPC na maayos ang produksyon ng mga produktong Filipino sa pagpapakilala sa mga ito sa buong mundo.

TAGS: Angara, Tatak Pinoy, Angara, Tatak Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.