Produksyon ng asukal sa Pilipinas maaring bumaba dahil sa El Niño

By Jan Escosio September 15, 2023 - 11:26 AM

INQUIRER PHOTO

Inanunsiyo na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na maaring hindi maabot ang inaasahang 1.85 milyong metriko tonelada na produksyon ng asukal sa bansa ngayon taon.

Ang dahilan, ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona ay dahil sa magiging epekto ng El Niño.

Ang pagbaba ay maaring umabot sa 10 hanggang 15 porsiyento depende sa magiging epekto ng El Niño sa mga taniman ng tubo.

Nabatid na noong nakaraang taon, umabot sa 1.799 milyong metriko tonelada ang produksyon ng asukal sa bansa.

Pagbabahagi na lang din ng opisyal na may sapat pa ang buffer stock ng refined sugar sa bansa, samantalang tinataya na aabot ng dalawang buwan ang buffer stock ng raw sugar.

Nagsimula na ang pagtatanim ng mga tubo ngayon buwan at maaring anihin ito sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.

Una nang inihayag ng PAGASA na mararamdaman ng husto ang epekto ng El Niño sa Nobyembre hanggang sa darating na Enero.

TAGS: El Niño, import, SRA, sugar, El Niño, import, SRA, sugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.