Killer ni OFW Jullebee Ranara hinatulan ng Kuwait court
Labinlimang taon na pagkakakulong ang iginawad na sentensiya ng isang korte sa Kuwait sa amo ni Filipina household service worker Jullebee Ranara, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Ang Juvenile Court of Kuwait ang humatol sa 17-anyos na si Turki Aved al-Azmi matapos litisin sa kasong panggagahasa, pagpatay at pagsunog kay Ranara noong nakaraang Enero.
Maituturing na magaan ang hatold dahil menor de edad ang hinatulan.
Hiwalay na isang taon na pagkakakulong ang iginawad din sa binatilyo dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiya.
“The Department of Foreign Affairs wishes to inform the public that according to the Philippine Embassy in Kuwait, the Juvenile Court in Kuwait today CONVICTED the killer (Turki Ayed Al-Azmi) of OFW Jullebee Ranara, sentencing him to 15 years imprisonment for murder and 1 year imprisonment for driving without license,” ani Foreign Affairs Usec. for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega.
Magugunita na natagpuan ang sunog na bangkay ng 34-anyos na si Ranara sa disyerto sa al-Salmi Road noong nakaraang Enero 23.
Base sa autopsy report, nadiskubre na buntis si Ranara nang patayin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.