Price cap, zero tariff sa imported rice nais malinawan ni Hontiveros
Naghain ng resolusyon si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros para malinawan ang mga pinag-ugatan ng pagpapatupad ng “price cap” sa bigas.
Nabanggit din sa resolusyon ang pag-usisa sa suhestiyon na huwag nang maningil ng taripa sa mga inaangkat na bigas.
“There is an evident lack of leadership, coordination, and cohesion in the policies on rice regulation, to the grave risk and detriment of the people,” banggit ni Hontiveros sa kanyang resolusyon.
Sa kanyang palagay bigo ang gobyerno na bigyan proteksyon ang mga konsyumer laban sa hoarding, profiteering at cartels.
Binanggit din niya ang posisyon ng mga ekonomista na ang ginagawa ng gobyerno ay ikalulugi ng mga magsasaka at negosyante ng bigas.
“We will soon see rice shortage, black markets, and rice queues, making rice even less accessible and risking critical supply gaps which hurt the poorest of Filipinos most,” sabi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.