Bahay ng isang retired general sa QC nasunog; mag-ina, patay

By Ricky Brozas June 27, 2016 - 12:45 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Dalawa ang nasawi sa sunog na naganap sa isang bahay sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Nasunog ang isang bahay sa number 11, block 4, Courage Street, Capitol Estate II sa nasabing Barangay na pag-aari ni Retired Police General Ismael Rafanan.

Nagsimula ang sunog pasado alas 7:30 ng umaga, at itinaas sa ikatlong alarma alas 8:01 ng umaga.

Nang tuluyang maapula ang apoy at nakapasok ang mga bumbero sa loob ng bahay ay natagpuan ang wala ng buhay na si Marilyn Rafanan, 69-anyos sa loob ng banyo.

Ayon sa mga bumbero, patay na rin ang anak ni Rafanan na kinilalang si Stara Rafanan, 27-anyos pero hindi pa nailalabas ng bahay ang mga labi nito.

Ayon sa mga kapitbahay ng pamilya Rafanan, may narinig silang malakas na putok bago ang pagliyab ng apoy.

 

 

TAGS: 2 killed in a fire that hits a residential home owned by a retired general in QC, 2 killed in a fire that hits a residential home owned by a retired general in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.