Sari-sari stores pinagbabalakang bigyan ng ayuda

By Chona Yu September 12, 2023 - 02:17 PM
Ikinukunsidera na ng gobyerno na bigyan na rin ng ayuda ang may-ari ng sari-sari stores sa bansa. Kaugnay pa rin ito sa pagtatakda ng price cap sa bigas base sa utos ni Pangulong Marcos Jr. Layon ng plano na makaagapay din ang mga maliliit na sari-sari store sa pagkalugi dahil sa price cap sa bigas. Ayon kay Social Welfare Sec. Rex Gatchalian, may ginagawa nang pag-aaral ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbibigay ng Sustainable livelihood Program-Cash Assistance. Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos mamigay ang DSWD ng tig-P15, 000 na ayuda sa mga apektadong rice retailers. Dagdag pa ng kalihim, target ng DTI na makapagsumite ng mas maraming listahan ng mga benepisyaryo para mabigyan ng ayuda ang mga may-ari ng sari sari store sa buong bansa. Magsasagawa ng pagpupulong muli ang DSWD at DTI para magtakda sa timeline ng cash payout. Matatandaan na halos 1,000 na retailers na mula sa Metro Manila at Zamboanga del asur ang nabigyan ng tig P15, 000 na ayuda.

TAGS: ayuda, Bigas, dswd, dti, price cap, sari-sari store, ayuda, Bigas, dswd, dti, price cap, sari-sari store

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.