Mga eksperto sa kulturang Pinoy konsultahin sa paggawa ng text books – Binay
Nanawagan si Senator Nancy Binay nang pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensiya para sa paggawa ng mga libro na ginagamit sa mga paaralan sa bansa. Sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Education (DepEd) ipinunto ni Binay ang mga maling nilalaman ng textbooks sa bansa. Pagbabahagi ng senadora, nalaman niya na ang National Historical Commission of the Phils., ang Commission on the Filipino Language, ang National Commission on the Filipino Language at ang National Commission for the Culture and the Arts ay hindi permanenteng miyembro ng technical committees ng DepEd na bumabalangkas sa guidelines, nilalaman at produksyon ng textbooks at iba pang learning materials. Dapat aniya ay kinokunsulta ng Bureau of Learning Resources ng DepEd ang mga naturang ahensiya para maiwasan ang mga maling impormasyon sa mga libro ng mga Filipinong mag-aaral. Ilan sa mga maling nilalaman ng mga libro ay naging viral sa social media at naging katawa-tawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.