Kita ng mga mangingisda lumiit ng husto dahil sa presyo ng petrolyo

By Jan Escosio September 11, 2023 - 09:59 AM

Idinaing na ng isang malaking grupo ng mga mangingisda ang pagliit ng husto ng kanilang kita dahil sa napakataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

Kasunod nito ang pagbatikos ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang administrasyon dahil sa pagpapabaya sa pagtaas g halaga ng langis na matindi ang epekto sa “marginalized” sector kasama na ang mga mangingisda.

Banggit ng grupo, P14.40 na ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel sa siyam na linggo na sunod-sunod na pagtaas.

Paliwanag ng Pamalakaya, bunga nito, nadagdagan ng P173 ang gastos ng mangingisda para sa petrolyo o P833 kada sila ay magtutungo sa laot mula sa P660.

Nabatid na 80 porsiyento ng gastos sa pangingisda ay sa petrolyong ginagamit.

Ayon kay Fernando Hicap, chairman ng Pamalakaya, napipilitan ang mga mangingisda na bawasan ang oras nila sa pangingisda upang makatipid sa petrolyo at ito ay nagreresulta naman sa paghina pa ng kanilang kita.

Aniya mula sa anim hanggang walong oras na pangingisda, ito ay naging apat hanggang limang oras na lamang. Bukod pa dito tatlo hanggang apat na araw sa isang linggo na lamang silang nangingsida mula sa dating lima hanggang anim na araw.

TAGS: Mangingisda, oil price hike, Mangingisda, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.