Pag-aaral sa pagbibigay ng free college study suportado ni Sen. Pia Cayetano

September 08, 2023 - 04:46 PM

 

Nagpahayag ng kanyang suporta si Senator Pie Cayetano sa posisyon nina Finance Secretary Benjamin Diokno at Commission on Higher Education (ChEd) Chairman Prospero de Vera na pag-aralan ang free tertiary education program sa bansa.

Kailangan aniya ay kilalanin ang mga kurso na magiging prayoridad at magdudulot ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya.

Binanggit niya ang kakulangan ng healtcare professionals sa bansa hindi lamang ng mga doktor at nurse, kundi maging ng  pharmacists, physical therapists, radiologic technologists, at iba.

Bukod pa dito aniya ay kailangan din ng suporta sa State Universities and Colleges para mapagbuti ang kanilang mga pasilidad at mapagbuti ang kanilang mga nagbabahagi ng edukasyon.

Kailangan din, dagdag pa ni Cayetano, ng mga mahuhusay na guro at teaching aides.

“We will continue supporting the financial assistance to students, but we need to prioritize the courses that would have a direct contribution to economic and social development. I believe that this is the most sensible, cost-efficient, and sustainable development model for our state tertiary education program,” ani Cayetano.

TAGS: news, Pia Cayetano, Radyo Inquirer, news, Pia Cayetano, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.