Panibagong resupply mission sa BRP Sierra Madre nagtagumpay

By Jan Escosio September 08, 2023 - 04:11 PM

 

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na naging matagumpay ang “follow-up resupply mission” sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Aniya ito ang ikatlong magkakatulad na misyon sa loob ng nakalipas na limang linggo kayat pinapurihan niya ang Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG).

“Once again, I salute our  men and women of the AFP and PCG for fearlessly staying on track to complete their mission despite intimidation from the Chinese Coast Guard and militia vessels,” pahayag ni Zubiri.

Dagdag pa niya:” This is a humanitarian resupply mission. Only barbarians at the gate will delight at seeing soldiers on a peaceful mission denied of food.”

Pagtitiyak pa nito na magpapatuloy ang mga katulad na misyon dahil nasa panig ng Pilipinas ang katotohanan at maraming bansa na ang pumapanig sa Pilipinas.

Kailangan lang aniya na mag-ingat ang ating puwersa dahil sa patuloy na agresyon ng China.

Sinabi pa ni Zubiri na suportado niya ang mga hakbangin para magkaroon ng “credible self-defense posture” ang AFP.

TAGS: ayungin shoal, China, coast guard, Migz Zubiri, mission, news, philippine navy, Radyo Inquirer, ayungin shoal, China, coast guard, Migz Zubiri, mission, news, philippine navy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.