Ejercito: “Political accomodations” sa hirit na CIF posible

By Jan Escosio September 08, 2023 - 04:05 PM

 

Hindi isinasantabi ni Deputy Majority Leader JV Ejercito na maaring “political accommodations” ang pagbibigay ng confidential and intelligence fund (CIF) sa ilang ahensiya.

Una nang nabanggit ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri na ngayon taon, nasa 27 hanggang 28 ahensya  ang nabigyan ng CIF.

Ayon kay Ejercito, taon-taon ay parami nang parami ang mga civilian agencies na humihiling at nabibigyan ng CIF kaya hindi malayong isipin na political accommodation na ito.

Ngunit paglilinaw ng senador, walang magiging problema kung maipapaliwanag ng husto ng ahensiya ang pangangailangan nila ng CIF.

Nanindigan na lamang siya na ang mga ahensiya na bahagi ng operasyon ang may kaugnayan sa pambansang seguridad ang nararapat lamang na mabigyan ng CIF.

Bagamat aniya pabor din siya na mabigyan ng naturang pondo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil laganap pa rin ang cybercrimes.

Dagdag pa niya, pabor siya na madagdagan ang intelligence fund ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil ito ang ahensiya na direktang nangangalaga sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa gitna ng pambu-“bully” ng China.

TAGS: confidential fund, JV Ejercito, news, Radyo Inquirer, confidential fund, JV Ejercito, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.