Bayad sa upa ng rice retailers sagot ng gobyerno

By Chona Yu September 07, 2023 - 02:12 PM
Bukod sa P15, 000 na pinansiyal na ayuda, may iba pang  tulong ang pamahalaan sa mga rice retailers na apektado Executive Order No. 39 ni Pangulong  Marcos Jr., na pagtatakda sa presyo ng bigas. Ayon kay Trade Asec. Agaton Uvero, katuwang ang local government units, may ibibigay na libreng isang buwang renta sa pampublikong palengke para sa mga nagtitinda ng bigas. Nakikipag-ugnayan naman ang Department of Agriculture (DA) sa LGUs  para sa logistics support sa pag-deliver ng mg bigas. Ito’y para makabawas sa presyo ng bigas ang gastos sa pagkuha sa bodega hanggang sa mga retailer. Sabi pa ni Uvero, inihahanda na rin ng DTI ang  interest-free loans para sa maliliit na negosyong naapektuhan ng ipinatupad na price cap. Inulit ng opisyal na pansamantala lang ang implementasyon ng price ceiling dahil sa sandaling maging stable na ang presyo sa merkado ay babawiin na rin ang EO, na inaasahang hindi na matatagalan dahil papasok na rin ang panahon ng anihan. Nakasaad sa EO na nasa P41 lamang ang presyo ng regular milled rice kada kilo habang P45 naman ang presyo sa kada kilo ng well-milled rice.

TAGS: palengke, rent, rice, palengke, rent, rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.