Gerphil Flores, nagtapos ng dalawang degree at cum laude pa sa UP
Hindi na lang basta soprano singer ang Asia’s Got Talent finalist na si Gerphil Flores, kundi isa na ring graduate with latin honor sa University of the Philippines College of Music.
Ibinida ni Gerphil sa kaniyang Instagram account ang kaniyang graduation picture at ang kaniyang cum laude medal na anim na taon niyang pinaghirapan bago nakamit.
Dalawang degrees ang tinapos ni Gerphil, ito ang Diploma in Creative Performing Musical Arts at Bachelor of Music kung saan siya pinarangalang cum laude.
Aminado naman si Gerphil na hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaan pero aniya, nabiyayaan siya ng lahat ng mga naging karanasan niya habang siya ay estudyante na lalo na ang pagiging isa sa finalists sa Asia’s Got Talent.
Nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang mga mentors, kaibigan, at siyempre ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang ama at ina.
Matatandaang sumikat si Gerphil sa pagsali niya sa unang season ng Asia’s Got Talent sa Singapore noong 2015, kung saan nakatanggap siya ng Golden Buzzer mula sa award-winning composer at producer na si David Foster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.