65 arestado sa unang linggo ng Comelec gun ban sa Metro Manila
Umabot sa 65 ang naaresto sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila dahil sa paglabag sa election gun ban.
Sinabi ni NCRPO director, Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., naaresto ang mga lumabag sa police checkpoints at pagsasagawa ng pulisya ng Oplan Sita simula noong nakaraang Agosto 28.
Pagbabahagi ng opisyal, nakapagtayo sila ng 1,319 checkpoints sa ibat-ibang bahagi ni Metro Manila.
Nagresulta ang mga operasyon sa pagkakakumpiska ng 16 baril at 23 sumpak, paltik atgun replicas, bukod pa sa 196 ibat-ibang uri ng armas.
Base sa resolusyon mula sa Commission on Elections (COMELEC) ipinagbabawal ang hindi awtorisadong pagdadala ng baril, gayundin ang pagkakaroon ng bodyguards habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.