May namataan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng low pressure area may distansiyang 870 kilometro ng dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
Ito ay magdudulot na ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan at Isabela, samantalang ang pag-ulan sa Batanes ay epekto pa rin ng bagyong Hanna.
Ang mararanasang pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Metro Manila, natitirang bahagi ng Ilocos Region, Apayao, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, at Batangas dahil naman sa habagat.
Ang iba pang bahagi ng bansa ay maari din ulanin dahil din sa habagat o localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.